FW1-A Night To Remember

Sabi nila “Love doesnt come easily”. Tama nga sila bakit? Kasi matagal mo na pala akong nasisilayan 2016 pa kung saan saan mo ako hinanap isa ka pala sa kaibigan ng schoolmate ko at dun mo nalaman pangalan ko hanggang sa makita mo ako sa simbahan bilang Lector. Hindi pa kita kilala non subalit tadhana ang siyang naglapit. May concert na magaganap sa Parish natin kaya naman sabi mo nagbakasakali ka na maging Usher ng event dahil baka nandun ako. Nagtagumpay ka at natagpuan mo ako. Isang pagpupulong ang naganap, yun yung una kitang makita tila ba’y umiral si Tadhana at NAHULOG AKO SAYO at simula non CRUSH NA KITA. Akala ko nung una crush crush lang, pero nung pangalawang beses na magkita tayo sa meeting may pinaikot na papel kung saan hinihingi ang contact number ng bawat isa. Ngunit, akala mo makukuha mo na ang number ko pero hindi dahil ang sinulat ko dun “NO SIM” sabi mo sobrang dismayado ka nun dahil akala mo makakausap mo na ako pero hindi.

Gabi na ng Parokya (Concert). LATE KA NANAMAN. Nakita mo ako nun na stress na stress dahil ako nga ang tumayong head sainyo. Sa hindi inaasahang pagkakataon HINILA MOKO AT YINAKAP at sinabi mo “Halika ka nga dito, wag ma stress” narinig ko ang kabog ng dibdib mo nun at dun nahulog ako lalo sayo. Noon akala ko hanggang noon nalang pero eto ngayon TAYO NA. 1YEAR NA! ❤.

Akala ko nung una simpleng crush lang pero nalaman ko nga na matagal mo na pala akong hinahanap. Maraming salamat sayo dahil hindi ka sumuko, mahal ko.

Masaya tayo hanggang ngayon at eto parin tayo nagmamahalan ng TOTOO.

Kaya naman sa makakabasa neto, TANDAAN NIYO WALANG IMPOSSIBLE BASTA’T MANIWALA KALANG. Parang kami nung una CRUSH lang pero ngayon NAGMAMAHALAN.

Inamorata 2018

DISCLAIMER: This post is under the Freedom Wall category, all posts under mentioned category were all written and sent by the readers. 

Leave a Reply