FW2 – Thank You Jollibee

Hi. I really love the video that I just watched now. Super inspiring magmahal knowing na akala namen kame lang ang ganun, pati pala sa commercial pwede. Hindi naman sa lahat but I just wanna let you know that almost all of the scenes from this “Jollibee video” (Fight or Flight), sapul ako and my partner. My partner doesn’t even know that I’m doing this right now. But I hope na if ever man ma post to, she’ll know that it’s for her.

This content will be all about sacrifice. While watching this video, I started to feel sad knowing na nahihiwalay ako lagi sa loved ones ko. Not only to her, but of course pati sa family ko. Before I thought masaya sumakay ng eroplano and then I realized, it was one of the hardest part in my life. I may not be a flight attendant, but I am a man who works for my family and myself. Para tumulong, and of course para mapasaya sila sa onting pasalubong na pwedeng maibigay. Every time na uuwi ma ako sa Pilipinas, super excited na ako na halos hindi na ako makatulog. Of course excited to see my family, and yung taong nagpapasaya saken. This video is very inspiring and I wanna thank you Jollibee for making me happy as well. Kasi hindi lang ako yung taong naniniwala, kundi ikaw din. Naniniwala ka na kahit gaano man kalayo sa isa’t isa, things will work if you both want it. So naniniwala ako na siya na ang perfect pair ko. I will always keep in mind that I’ll always be positive and of course, I’ll always be more patient with my partner. Just like in the video, mag aaway man but love will always find a way. Thank you Jollibee for doing this. Kasi I was able to express my feelings para sa kanya and I was able to talk to you kahit hindi kita nakikita. It doesn’t really matter na if makita man niya to o hindi. Ang importante is nakausap ko ikaw (Jollibee) , and that I was able to tell you my story. I was able to share something to someone kung gaano ko kamahal ang taong madalas kame di nagkakasundo. Super hirap magkaayos knowing na LDR kayo. Pero syempre, wala namang perfect relationship. There’s just a “perfect pair” to those who believe in each other. Kaya tip lang sa mga kagaya kong LDR diyan. Laban lang, wag na wag kayong susuko. You never know what’s there for you to see. Meaning, iba pa din ang feeling na matagal niyong hinintay na magkitang muli. So guys, laban lang and believe in each other ma kaya niyo. Kasi ako, I’ll make sure that I’ll always be worth the wait at hinding hindi ko sasayangin ang times na magkasama kame and of course, kakain kame sa Jollibee habang nag big talk. Kasi hindi na small talk dahil sobra na naming daming na miss na pagusapan. Oh di ba? Perfect pair din.

Again, thank you Jollibee dahil binuhay mo ang mga team LDR. I hope you will continue on inspiring people not only me, mga team LDR, kundi ang lahat ng taong nalulungkot dahil malayo sila. Always be positive and mag pray. It helps a lot! It works on me, and I know it will work on you too. Wala namang masamang mag try. God bless and thank you.

– Jelly

DISCLAIMER: This post is under the Freedom Wall category, all posts under mentioned category were all written and sent by the readers. 

FW1-A Night To Remember

Sabi nila “Love doesnt come easily”. Tama nga sila bakit? Kasi matagal mo na pala akong nasisilayan 2016 pa kung saan saan mo ako hinanap isa ka pala sa kaibigan ng schoolmate ko at dun mo nalaman pangalan ko hanggang sa makita mo ako sa simbahan bilang Lector. Hindi pa kita kilala non subalit tadhana ang siyang naglapit. May concert na magaganap sa Parish natin kaya naman sabi mo nagbakasakali ka na maging Usher ng event dahil baka nandun ako. Nagtagumpay ka at natagpuan mo ako. Isang pagpupulong ang naganap, yun yung una kitang makita tila ba’y umiral si Tadhana at NAHULOG AKO SAYO at simula non CRUSH NA KITA. Akala ko nung una crush crush lang, pero nung pangalawang beses na magkita tayo sa meeting may pinaikot na papel kung saan hinihingi ang contact number ng bawat isa. Ngunit, akala mo makukuha mo na ang number ko pero hindi dahil ang sinulat ko dun “NO SIM” sabi mo sobrang dismayado ka nun dahil akala mo makakausap mo na ako pero hindi.

Gabi na ng Parokya (Concert). LATE KA NANAMAN. Nakita mo ako nun na stress na stress dahil ako nga ang tumayong head sainyo. Sa hindi inaasahang pagkakataon HINILA MOKO AT YINAKAP at sinabi mo “Halika ka nga dito, wag ma stress” narinig ko ang kabog ng dibdib mo nun at dun nahulog ako lalo sayo. Noon akala ko hanggang noon nalang pero eto ngayon TAYO NA. 1YEAR NA! ❤.

Akala ko nung una simpleng crush lang pero nalaman ko nga na matagal mo na pala akong hinahanap. Maraming salamat sayo dahil hindi ka sumuko, mahal ko.

Masaya tayo hanggang ngayon at eto parin tayo nagmamahalan ng TOTOO.

Kaya naman sa makakabasa neto, TANDAAN NIYO WALANG IMPOSSIBLE BASTA’T MANIWALA KALANG. Parang kami nung una CRUSH lang pero ngayon NAGMAMAHALAN.

Inamorata 2018

DISCLAIMER: This post is under the Freedom Wall category, all posts under mentioned category were all written and sent by the readers.