FRIENDZONED – SMP 2.0 Samahan ng mga Martir sa Pag-ibig

From codename “Friendzoned”

“May kaibigan ako for almost 2 years now, dahil sobrang close namin I fell for him, wala akong magagawa we’re in the same circle of friends eh. All I do is go with the flow. I know from the start na di siya magkakagusto saken kasi open siya ng konti saken, he shared his lovelife sa akin lang even if we have so many friends. I expected, yes. Wala eh we’re just partners in everything but I guess not in love. Mahal ko siya but I just can’t keep myself from falling in love with him even more although I know he loves someone else. Di ko nga alam kung sila na nung best friend niya eh. Pero lagi niyang sinasabi na sila. Best buds pa din naman kami ngayon. We still help each other in any way we can. I met new guys na naging kaclose ko but it’s still him I love. He’s definitely my first love. Martir ako sa kanya. I will do eveything for him. Di niya ako kayang mahalin and that’s okay. At least we’re friends pa din and I still love him. Di ko alam kung hanggang kelan but now, I just can’t let him go, not now. Di ko pa kayang magmove on.”

FRIENDZONED - SMP 2.0 Samahan Ng Mga Martir Sa Pag-ibig

Some of us may already experienced to have a crush on a friend. Hindi lang sa friend na basta “friend” lang, kundi minsan sa sobrang close friend pa at kadalasan kayo pa yung palaging magkasama o magkatuwang sa bawat gawain. Hi Friendzoned! This is for you. 🙂

Well, sabi ng iba life is a matter of choice daw. God destined us for someone, but since we are created with freedom choice natin kung kanino tayo mai-inlove, kung doon ba sa nakasulat sa tadhana natin o sa iba… Choice rin natin if we will let ourselves continue to fall sa isang tao, maaaring hindi natin hawak na bigla nalang tayong mahulog sa kanya, pero may magagawa tayo to try na mapigilan yun.

Sabi nga sa isang movie line, “may mga babaeng gine-girlfriend at may mga babaeng hanggang kaibigan lang.” Same for the boys. May mga lalaking bino-boyfriend at merong mga hanggang kaibigan lang din. Minsan we were just influenced by some happenings na rin, like your friends “kantyaw“, and all those “pinagsamahan, memories and everything” kung kaya’t imbis na mapigilan ay lalo lang tayong nahuhulog.

Kaso hindi mo maiiwasan at darating at darating pa rin ang pagkakataon kung saan maiipit tayo sa pagitan ng “gusto ko siya” pero “ayokong masira yung pagkakaibigan namin”. Well good thing is choice rin natin if we will keep the friendship or move up the notch a little higher and be a living proof of those overrated friends-turn-to-lovers stories. So yes, hindi lahat ng magkaibigan na nagkainlovean at nagkaaminan ay nasira ang pagkakaibigan. Gayunpaman, marami rin ang mga magkaibigan, na nagka-inlovean at nag iwasan na ng tuluyan.

Some are ready to join the SMP o ang Samahan ng mga Martir sa Pag-ibig. Kaya nilang tiisin at kimkimin ang sakit ng one sided love. If you’ll ask why maybe the only answer is because they are happy. That person they love makes them happy and maybe they also find peace and they fell at ease when they are together. Their heart is happy whenever they are with that person. And please let’s not judge them. Iba-iba tayo ng source of happiness, kung minsan nga lang yung happiness na ‘yon ay may kalakip ding sakit.

But when will it be enough? Will it ever end? And bakit nga ba nagkaganon? It’s very different for every person. Because, some may have got the wrong signal/s. At dito nagsisimula ang tanong kung sino nga ba ang may kasalanan? Kung sino ang paasa? At kung sino ang mukang ewan dahil umasa? O dapat ba kasi ay hindi nalang masyadong naging caring at mabait? And the list goes on.

Sa sitwasyon mo kung saan sinasabi niya na may girlfriend na siya ay mahirap talaga, alam kong at the back of your mind inasam mo rin na sana maging kayong dalawa pero at “for now” mas pinili mo yung safer choice kung saan magpapatuloy yung pagkakaibigan ninyong dalawa.

Pero hanggang kailan? Kagaya ng sinabi mong, “I just can’t let him go, not now“.  Alam kong alam mo na in some point sa future ay darating yung time na kailangan mo nang mamili nang final answer kung sasabihin mo ba sa kanya at ipaglalaban yung pagmamahal mo o habang buhay mo na lamang na itatago kasama ng masasayang alaala ninyo yung nararamdaman mo para sa kanya. At hahayaang dalhin ng paglipas ng panahon ang pag-lipas din ng nararamdaman mo para sa kanya.

And again my friend, that is a choice you have to make. It’s tough. And it’s only you, yes you, who can rewrite the stars… joke. But jokes are half meant. Ikaw lang talaga ang makakapag-decide on what you want to do. Kahit anong sabihin ng mga taong nasa paligid mo, ikaw pa rin ang may hawak ng magiging desisyon mo.

Regarding sa pag momove on, mahirap talaga, at hindi yung label kung naging “kayo ba” ang nagpapahirap dun, kundi yung fact na hanggang doon na lang talaga kayo; yung fact na magiging alaala na lang pagtagal yung mga pinagsamahan ninyo noon.

Well mahirap pero maaaring mabawasan. Try to focus yourself sa ibang mga bagay, kung nagaaral ka pa ngayon subukan mong ituon pang lalo yung oras mo sa pagaaral o pagpapabuti sa kung ano mang ginagawa mo; try to change yung nakasanayan mo, unti-unti subukan mong bawasan pansamantala kahit kaunti yung mga bagay na nag uugnay sa inyong dalawa. Magiging mahirap lalo na kung halos araw-araw kayong nagkikita at nagkakasama, pero maaari etong maging way para “maka-move on” ka na; lastly tanggapin mo sa sarili mo na wala siyang feelings para sayo, masakit pero kapag tunay mo nang natanggap sa iyong puso ay unti-unti na ring magsusubside ang feelings mo para sa kanya. Two in one, nabawasan o nawala yung feelings mo para sa kanya and at the same time  hindi siya nawala sayo bilang kaibigan mo.

Bata ka pa, marami pang mangyayari. May mga tao pang darating sa buhay mo, at mayroon din namang mga aalis. No one knows what will happen tomorrow, pero naniniwala ako “that your future is somehow connected sa naging desisyon mo ngayon“. Believe it or not, mayroon pang mas na mga challenges pa ang darating, mapa-love life at sa buhay mo mismo.

Dalawa lang din yan, maybe hindi talaga kayo ang para isa’t-isa o hindi lang ito ang tamang oras para sa inyong dalawa. 

“Love is patient and kind; love does not envy or boast; it is not arrogant or rude. It does not insist on its own way; it is not irritable or resentful; it does not rejoice at wrongdoing, but rejoices with the truth. Love bears all things, believes all things, hopes all things, endures all things. Love never ends. As for prophecies, they will pass away; as for tongues, they will cease; as for knowledge, it will pass away. “1 Corinthians 13:4-8 ESV 

DISCLAIMERWe are not trained psychologists or licensed professionals. We’re just average folks who tries to listen with your story and give you  friendly advice. All the opinions written here are personal opinions of the authors and solely based on the limited data given to us.   

Leave a Reply