Minahal ka nga ba?

Minahal Ka Nga Ba?

Naramdaman mo ba nung kayo pang dalawa? Nakita mo ba sa kanyang mga mata? Tanging kayo lamang dalawa ang makasasagot ng katanungan kung minahal ka nga ba niyang talaga. Minsan may mga katanungan na alam natin ang kasagutan pero nagtatalo sa ating isipan kung ‘yon nga ba ang katotohanan. Sa mga panahong naging kayo sa tingin ko ay minahal ka rin n’ya Jac

Laging may dalawang side sa isang istorya. That person would not stay or at least care for you if walang love totally. Ang hirap sabihin kung sino ang may mali at kung minahal ka nga ba. Ikaw lamang ang tanging makasasagot niyan mula sa mga alaala na pinagsamahan ni’yong dalawa.

Hangga’t wala kayong maayos na closure; Hangga’t nasa stage ka pa kung saan  mayroon ka pang sama ng loob, magiging mahirap talaga ang bawat araw na darating.

Aminin man natin o hindi, mahirap magdesisyon, mahirap mag-move forward kung mayroon pang hindi malinaw sa’yo. Kung mayroon pang mga tanong na naghihintay ng mga kasagutan, mga bagay na sobrang labo at gusto mong malinawan.

Kung maaari, subukan mong makipag usap sa kanya hindi para makipagbalikan kundi upang malaman mo yung mga kasagutan sa mga tanong sa isipan mo. “The truth will set you free”, masakit ‘man minsan ang katotohanan pero ito yung daan para gumaan yung bigat na nadarama mo.

Mahirap maalis yung mga hindi magagandang alaala na dulot niya, mahirap mag move on. Pero try to get your self into engaging activities. Make your self busy. Never ever ever lock your self up on your room para magmukmok. Lumabas ka. Enjoy with your friends. Pagbutihin mo pang lalo yung mga bagay na ginagawa mo. 

Iba’t-iba tayo ng paraan para maka-move on. Iba-iba rin ang time frame ng tao sa pag m-move on. Merong nagagawa ito within 3 months (3 months rule) and some for a loooooong time. No one can dictate us on how and when we should move on. Mismong sarili lang natin ang makakagawa. With the help of others maybe and maybe not. Small steps lang. Sabi nga nila a little progress is still a progress. Kaya don’t pressure your self, mas lalo kang matatagalan. Kung ano mang nakasakit sa’yo wag mo ng balik-balikan pa. ‘Di mo kailangang magmadali, pero kailangan mong tanggapin na may mga bagay talaga na hindi para saatin, mga tao na kung minsan ay kailangan na nating palayain. Unti- unti lang at darating rin ‘yung time na masasabi mong:

Okay na ko, tanggap ko na. Napatawad na rin kita.

Sometimes may mga darating sa buhay natin na akala natin sila na yung para sa atin. We tend to confine ourselves sa pagmamahal sa maling tao kung kaya’t hindi na natin nabubuksan ang ating puso para sa mga tunay na  nagmamahal sa atin.

Palayain natin ang ating sarili mula sa kalungkutan, sama ng loob at mga katanungan. Alamin natin ang katotohanan, tanggapin; at darating ang oras na kaya na nating harapin nang may ngiti ang kinabukasan.

“Commit your way to the Lord; trust in Him, and He will act.” – Psalm 37:5

DISCLAIMERWe are not trained psychologists or licensed professionals. We’re just average folks who tries to listen with your story and give you  friendly advice. All the opinions written here are personal opinions of the authors and solely based on the limited data given to us.   

Leave a Reply