Tormenting without Knowing

“Yan lang grade mo? Ano ba naman yan.”

“Consistent honor ka naman dati, anong nangyari sa’yo?”

Buti pa si … DL. Bakit hindi mo tularan yun?”

Hindi mo kakayanin yan.”

“Parang yan lang.”

“Wala kang kasing hina makaintindi.” 

“Ganyang course kukuhanin mo? Anong mapapala mo d’yan?

 

Ilan lamang ‘yan sa mga salita na madalas nating marinig mula sa mga taong nakapaligid sa atin, mga salitang para sa kanila ay balewala o minsan ay biro lang. Nakalulungkot isipin na ang ganitong sitwasyon ay nararanasan ng marami sa atin partikular na sa mga kabataang mag aaral.

Lingid sa kaalaman ng marami, ang mga ganitong pananalita ay labis na nakapagdudulot ng sakit sa damdamin. Hindi nila alam sa bawat pagsasabi nila nito, natatatak ito sa isip at matagal mabura o kung minsan pa, hindi na nakakalimutan. Hindi rin nila namamalayan na nakakasakit na sila ng sobra. Akala nila okay lang.  Ito ay tila isang bangungot na paulit-ulit na bumabalik sa isipan ng tao na nagdudulot ng ‘di magandang pressure, kawalan lalo ng tiwala sa sarili, kawalan ng gana upang magpatuloy, pakiramdam ng pagkakulang sa gusto at expectation ng iba at iba pang mga epekto sa emosyonal niyang estado.

tormenting-without-knowing

Ayon naman sa ilan, dapat ituring bilang hamon o inspirasyon ang ganitong mga bagay.  Sa aking palagay, maaari naman nga itong maging motibasyon upang mas pagbutihin pang lalo ng isang tao ang kanyang ginagawa. Dipende  sa taong nakakatanggap ng ganitong salita kung paano nila ‘to dadalhin. Para sa akin kung nadala lang sa pressure at expectation ang isang tao hindi niya lubos na maisasapuso kung anong gagawin niya. Siguro oo, pero matagal na panahon bago tuluyang mahalin kung anong desisyon ang kaniyang ginawa. Yung pagkakaroon ng pakiramdam na hindi mo naaabot yung expectation ng tao sa buhay mo, kahit hindi sila magsabi meron ka pa ring pakiramdam ng pagkukulangAnd you start to have this self-doubt.

Masarap makamtan ang tagumpay at gawin ang gusto natin, ngunit higit na masarap makamit at gawin ‘to nang kasama ang mga taong sumusuporta at malalapit sa atin. At para naman sa’yo, sa’yo na nagbabasa nito, kung nararanasan mo ‘to, ‘wag mong iparanas sa iba. Be careful with the words you use towards others. Hindi lahat ng tao ay parepareho. Minsan nakakasakit at bumbuo na pala tayo ng masamang pakiramdam [ibang term parang nang d-down ganon] sa ibang tao ng hindi natin namamalayan.

Para sa’yo ulit na nagbabasa at pakiramdam mo eh nakakaranas ka nito… at para rin sa mga tingin nila ay ganito sila sa iba.

Magpatawad (o humingi ng tawad) – Ang pinakamabisang lunas sa lahat ng ‘di pagkakaunawaan. Subukan nating ipabatid sa mga taong nakapaligid sa atin na tayo ay nasasaktan at naaapektuhan ka sa mga sinasabi nila. Mayroong mga bagay talaga na kung minsan ay hindi nila malalaman kung hindi natin ipaaalam. Hindi kailanman naging pagkakamali ang tanggapin na tayo ay nasasaktan at hindi rin mali na sabihin ang nararamdaman natin. Mas masarap sa pakiramdam na nasasabi mo ang nararamdaman mo.

Appreciate – Imulat sana natin ang ating mga mata hindi lamang sa kanilang mga kamalian at kakulangan, kun’di mas lalo na sa kanilang pagsusumikap na magtagumpay sa kabila ng mga bagay na yaon at paghihirap. Kahit simpleng pagbati lamang sa maliit na bagay na kanyang nakakamit ay malaking tulong na upang mabuo sa kanya ang tiwala sa sarili, lakas ng loob, at tapang upang tahakin ang landas patungo sa mas malaking tagumpay na inaasam. Hindi natin alam ang pinagdaanan at naramdaman nila. Appreciate the smallest thing and achievement they had. Nagiging motivation nila yan, believe me.

Bawat tao ay magkakaiba – Ang bawat tao na nilikha ng Diyos ay may angking sariling talento. Kung kaya’t mabatid nawa rin natin na hindi lahat ng tao ay magiging magaling sa larangang nais natin para sa kanila. Kahit ang kambal ay hindi natin maaaaring ikumpara sa isa’t isa, sapagkat maaaring ang kalakasan ng isa ay ang kahinaan naman ng isa. Ang tadhana natin ay magkakaiba. Hindi dahil dito umunlad ang iba ay dito na rin uunlad ang marami. 

O sige na, ‘wag ka na mahiya. Kausapin mo na at ipadama mo kung gaano ka kaproud sa kanya. Say how proud you are. Not just now, but every time they do and achieve something. If they achieved something congratulate them, if they failed, still congratulate them. They did their best.

Life will not be easy on us, so let’s be stronger and do not loose faith. 

Leave a Reply